Thursday, December 17, 2015

Mga Biyaya ng baha sa araw ni 'Nona'

Dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan sa amin, Balingit, Pamplona, Cagayan, ito ang bunga - baha! Tulay iyang nakikitang semento. Karugtong iyan ng lubak-lubak na daan papasok sa amin (lalong lumaki ang mga lubak dahil sa pag-ulan.) Mula sa tulay hanggang sa may mga puno ng niyog, bukid iyan na nilunod ng maputik na tubig mula sa kabundukan sa kanluran. Kadalasan, sa buwang ito ay natamnan na ito ng palay. Sa kabutihang-palad ay wala pang tanim ang bukiring iyan kundi masakit na naman ang ulo ng mga magbubukid.



Adobong igat (Anguilla luzonensis)

Talangka (Varuna litterata)

'Birut' o 'bunog'

Lahat ng yan ay galing sa baha. Huli iyan ng isang lambat pangisda na inilagay sa may tulay.



No comments:

Light, Camera, Action!