High school ako noong makapunta ako sa Subic, Zambales. Naligo sa malinis na dagat at nag-window shopping sa Duty Free.
Mag-aala una ng umaga kahapon kami nakarating sa Pag-asa, Olongapo City." Ulo ng Apo' Dito nagmula ang pangalan ng lungsod. Makikita ang marker sa rotunda ng Bajac-Bajac.
Dito sa Murphy Street kami tumuloy. Dito raw sa street na ito ibinurol ang pinatay na transgender.
6:OO am pa lang ay nagkakape na kami. Pagkatapos ay naghahakot na kami ng mga karga na maiuuwi. Kapansin-pansin na malinis ang lugar.
6:OO am pa lang ay nagkakape na kami. Pagkatapos ay naghahakot na kami ng mga karga na maiuuwi. Disiplinado din ang mga motorista. Walang akong napansing nag-oovertake na traysikel sa kanan.
Subic, Zambales. Mapapahanga ka sa kalinisan ng lugar.
Ako pa rin ang nagmamaneho kaya bihira akong makakuha ng pictures. At hindi ko rin nakunan ang maasul at malawak na baybayin ng Subic.
Sa Zambales na kami dumaan pauwi. Mas malayo pero wala naman kaming nadaanang trapik. Kuha ito sa San Narciso, Zambales. Dito kami huminto para miriendahin ang baon namin. Dito na rin kami nagtanong ng daan pauwi. Pareho naming Ilokano ang aming napagtanungan. Ganito ang traysikel nila dito.
Isang tulay sa bayan ng San Felipe. Akala ko ay dagat ang nasa ibaba subalit abo yata na marahil ay nagmumula sa Mt. Pinatubo. Tama kay ako?
Pasingit-singit pa rin ang pagpicture.
Ayan, malapit na kami sa Pangasinan
Sta. Cruz, Zambales
Dito kami huminto para maghapunan. Sta. Cruz pa rin.
Nung bagyong Lando raw ay umabot ang tubig hanggang sa bubong ng bahay na ito. Lahat daw ng mga alaga nilang hayop ay namatay sa pagkalunod.
Maalala ko, hindi man lang ako nakapag-Selfie sa Olongapo City. Okey na rin, nakainom naman ako ng beer at napakingkan ang "Ironic" ni Alanis Morissette, Canadian altenative rock singer-songwriter, guitarist, record producer at artista sa Slim. . .