Ni EvimRose Viloria
Nagattatan, Pamplona, Cagayan
Labis akong nasaktan
Naghihirap ang kalooban
Hanggang kailan matatapos
Labis na kahirapan?
Dibdib ay naninikip
Puro na lang pasakit
Hanggang kailan magtitiis
Tinig ko’y kailan maririnig?
Tinig ko kaya’y may makakarinig
Pagsusumamo ko kaya’y may maaantig
Ligaya’y kailan makakamit
Araw kailan masisilip?
Luhaan ang paningin
Sa labis na pagdaramdam
Kailan makakamtan
Hinahangad kong kalayaan?
No comments:
Post a Comment