Saturday, November 7, 2015

Camping ng mga boy at girl scouts

At nag-camping ang prinsesa at bunso ko.

Si Zandra sa kanilang tent.


Ito naman si Zachary sa harap ng kanilang tent.


Ready na sila sa parade.



Kantahan, sayawan at iba pang talent ng mga scouts.




Gustong mag-flip top pero hindi nasali kaya papogi na lang si bunso.


Si Ma'am Ely.


Sa kani-kanilang tent bago matulog.



Kinaumagahan, naglinis sila sa madamo at malubak na daan patungong National Road,


pati sa community garden.


At nag-flower girl si ate. Mga larawang kuha ni Gemma Ifurung. 2:00 pm ang sinabing umpisa ng program pero 2:20 pm na hindi pa nag-umpisa kaya umalis na ako. Umalis na ako at pumunta kami ng panganay ko sa Sanchez Mira para magpagupit.



Sash bearer naman si bunso.





Nipa roof

Nag-order ako ng "pingngut" o nipa roof sa kumpare ko sa Nagattatan, Pamplona, Cagayan. Habang gumagawa ang asawa niya, kumare ko, naisipan ko ding i-try gumawa nito


Sabay kaming nag-umpisang gumawa ni Mare Malyn. Halos nangalahati na agad siya samantalang ako hirap mag-umpisa.


Hindi pa firm ang gawa ko.


Kuha na naman ng dalawang piraso na pinagtabi ko para ihabi.


Mula dito sa isang bigkis na nagkakahalaga ng fifty pesos.


Ito na ang output ko.



Samantalang si Malyn ay nakalima na. Hindi ko man itinuloy, atleast, naranasan kong gumawa ng nipa roof.





Monday, November 2, 2015

Nagawi kami sa San Lorenzo, San Nicolas, Ilocos Norte

Minsang napunta kami ulit sa Payas nitong last week ng Oktubre naisipan kong bumisita kina Mang Daniel Nesperos, kapwa ko manunulat, sa San Lorenzo. Mga limang kilometro lang mula sa munisipio ng San Nicolas.

Picture muna bago manguha ng dragon fruit cuttings at maglibot sa paligid upang tingnan ang mga iba't ibang fruit trees na tanim ni  Mang Daniel kasama na rito ang binili niya nung puumunta kami sa Sarian Farms sa Teresa, Rizal, na pag-aari ni Zac Sarian.


Si Mang Daniel na nangunguha ng dragon fruit cuttings na ibibigay sa amin.


Picture din kami ni Kumpad Daris bago umuwi. At sa susunod na magagawi ako rito, magdadala ako ng catmon seedlings.





Light, Camera, Action!