Tuesday, October 27, 2015

Monday, October 26, 2015

Biahe sa Siyudad ng Tuguegarao

Kahapon ang biyahe namin sa Tuguegarao City, Cagayan.

Halatang hilo ang prinsesa ko. 


Dito kami kumain pagkatapos ng mahigit dalawang oras na biyahe.



Nagwindow shopping sa Unitop Mall


Dala ng matinding trapik sa Balzain Highway, dito kami tumuloy, Jeff's Panciteria. Hall of Fame (2012 - 2014) sa taunang Tugueegarao Patronal Town Fiesta.


Ito ang ebidensiya ng kanilang masarap na pansit batil patung.


Ginisang bagoong alamang

Noong Sabado, nag-order ako ng bagoong alamang sa suki kong tindahan. matagal na rin kasi akong hindi nakatikim. Ito ang nagpapasarap sa mangga na paborito ko. Ito rin minsan ang bagoong na nilalagay ko sa dinengdeng.



Ito naman ang masarap na dinengdeng. may sahog na 'kuditdit'



Biyaya tuwing tag-ulan

Ilan sa mga ulam na biyaya tuwing tag-ulan.

Kuditdit ang tawag sa amin (bracket fungus). 



Uong-garami (Volvariella volvacea)


Seedlings

For  sale daw sabi ng anak ko.

Ilang-ilang


Arius Tree o Batanes Tree


Catmon


Kamias 



Longganisa rice

Noong bata pa kami, matapos magluto ang mother ko ng longganisa, kukuha ito ng kanin at ilalagay sa pinaglutuan. Haluin niya ito hanggang ganap na makulayan o dumikit lahat ang natirang sarap ng longganisa sa palayok.

Ngayon, ginagaya namin ng mga anak ko.


Thursday, October 22, 2015

Miki naman

Minsang naisipan naming mag-miki ng mga bata sa Nagattatan, Pamplona, Cagayan.

Habang naghihintay ng order.


at kainan na. . . 



Biahe patungong Camiguin?

Iba naman ang peg nitong dalawa kong anak.



Sitio Pureg

Pagbisita sa mga Aeta sa Sitio Pureg, Callungan, Sanchez Mira, Cagayan. Kasama ko sina BM Viloria, Dok Freddie Pa. Masuli, BM at VJ Viloria  (Larawang kuha ni Ena T. Macabunga)


Luna, Apayao

Katatapos ng seminar sa Luna, Apayao. Kasama ko mga kapwa ko writer ng Cagayan, sina; Jobert M. Pacnis, Ridel Cabulisan, Hon. Vilmer V. Viloria, Board Member, ikalawang distrito ng Cagayan, Dionisio S. Bulong, dating patnugot ng Bannawag Magasin, Johmar R. Alvarez, Freddie Pa. Masuli, Ph.D., Ako, at Ronnie Es. Aguinaldo, at mga supling ni BM Viloria. (larawang kuha ni Ena T. Macabunga)


Mga delegado ng GUMIL Cagayan

Kasama ko ang mga kapwa ko manunulat sa Cagayan sa ika-47 taunang kumbension ng GUMIL Filipinas, sa Sala B, Balay Expo Centro, Araneta Center, Cubao, Quezon City noong nakaraang Abril. Dinaluhan din ito ng mga iba't ibang tsapter ng GUMIL Filipinas tulad ng GUMIL Ilocos Norte, GUMIL Ilocos Sur, GUMIL Metro Manila, GUMIL Apayao, GUMIL Isabela, GUMIL La Union, GUMIL Nueva Vizcaya,  at iba pa.

(Larawang kuha mula sa FB page ng Gumil Filipinas)


                            

Wednesday, October 21, 2015

Claveria

Umuulan kahapon pero sige pa rin ang picture. Ang wheels namin, traysikel.

Si bunso


Si ate


at si Kuya


Bunog

Dahil din kay bagyong Lando, nagkaroon kami ng ulam. Kapag may bagyo sa amin ay lumalaki ang ilog malapit sa kabahayan. Ang tubig mula sa bundok ay bumababa. At ang resulta, maraming nakukuha ang mga mangingisda na karpa, palos, hito, talangka, tilapiya, at mga bunog, lagdaw at birut sa Ilokano.




Ito naman ang luto ni  Warlito Miranda na Brgy. Secretary namin.




Mushroom

Pagkaalis ni bagyong Lando heto ang nakita ko. Uong-saba ang tawag naming Ilokano.

Masarap itong adobohin.


Pero, dinengdenng ang gusto ko. May sahog na karne ng manok na native.




Harvest time

Inunahan na namin si bagyong Lando na mamitas  sa mga hinog na bunga na lansones namin.
Kinailangan kong akyatin ang puno para hindi madamay yung mga hindi pa hinog kung susungkitin lang.



Ayan, marami kaming nakuha. Sarap talaga ng pakiramdam kapag nakikitta mong namumunga na ang tanim mo.


Light, Camera, Action!